Tuesday, November 27, 2012

Mabuhay Habang May Buhay

Ang nais ko lamang ay kiligin sa buhay
Mamangha sa mundo
Makakita, makarinig, makalanghap, makatikim ng maganda at kakaiba
Gumising nang may pananabik sa bawat araw
Matulog nang mahimbing sa pagsapit nang gabi

Magmahal nang buong-buo

Tumakbo, umakyat, pumanhik, pumadyak
Lumangoy, sumisid, sumagwan
Sumayaw, umawit, yumakap, humalik, makipagtalik
Magbasa, magmuni-muni, magsulat, makipag-usap, manahimik

Bigyang dangal ang katawan at patalasin ang isip
Lumikha at magpakitang-gilas 
Pakislapin at pasiklabin ang puso at diwa 

Ang nais ko lamang ay mabuhay nang tunay at gising
Ang mabuhay habang may buhay





1 comment:

*A&a* said...

"Bigyang dangal ang katawan at patalasin ang isip
Lumikha at magpakitang-gilas
Pakislapin at pasiklabin ang puso at diwa

Ang nais ko lamang ay mabuhay nang tunay at gising
Ang mabuhay habang may buhay"

saktoOoo!!!
champion tong post na to! :)