Thursday, August 06, 2009

The Day After

Hindi mababaw ang luha ko.Alam yan ng mga kaibigan ko, at ng mga taong malapit sa 'kin.

Pero habang pinapanood ko ang Requiem Mass para kay President Cory Aquino kahapon, hindi mapigil ang pagluha ko. Kasabay ng pagbuhos ng ulan na dala ng bagyong Kiko, umagos din ang kalungkutan sa buong pagkatao ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lang ang pag-iyak ko. Kung tutuusin, hindi naman ako maituturing na Cory-ista.

Ang alam ko lang, namulat ako na si President Cory na ang Pangulo. Ang pagkakakilala ko sa kanya ay hanggang sa mga nababasa ko lang sa mga history books at napapanood sa TV. Noong 1986, 4 na taong gulang pa lang ako. I was 10 when her term ended. Sa mga edad na 'yon, wala naman akong pakialam sa mga kaganapan sa bansa o sa pamahalaan. Kahit naman habang tumatanda ako, hindi naman ako naging masigasig na tagapag-antabay sa kung anumang isyung politikal o kung anumang may kinalaman sa gobyerno. Siguro, tulad ng marami sa mga henerasyon ko, I am what one might call "apathetic". It's an apathy borne out of mistrust of the government, a mistrust I gained from the barrage of the evils and inefficiencies of the system I hear from the news and experience as soon as I step out of my home.

Evil, inefficient, corrupt, self-serving. Yan ang sistemang kinamulatan ko. Yan ang larawan ng mga politikong at mga public servants na nakinagisnan ko.Maliban kay President Cory. Natatangi siya. Hindi ko na kailangan ipaliwanag kung bakit.

Habang sinusulat ko ito, naiintindihan ko na ang dalamhati ko. Lumuha ako dahil sa lungkot - para bang naulila sa ina. Because that's who President Cory was - a mother to this nation. She loved us selflessly, unconditionally, compassionately. She took us in her embrace and shielded us from a bully who hurt us again and again. She appeased us with her gentleness and grace. She was pure of heart and never betrayed us the way some of our leaders have.

Naging tunay siyang Ilaw.At nung napundi na ang sindi niya, para bang bumalot ulit ang kadiliman. Kahit na alam naman natin na lahat ng tao ay papanaw - kapag ang isang naging simbolo ng liwanag at PAG-ASA ang lumisan...isang napakalaking kawalan. Isang napakasakit na kawalan.

Lumuha ako dahil nakaramdam ako ng...ano nga bang Filipino ng despair? When a tangible symbol of goodness and hope passes on, who do you look up to now?The tears I shed were of sorrow and loss. She's gone. Yesterday, I felt like hope died with her.

Enter Today. While the flame of her life has been extinguished, I feel that something inside me was ignited. A desire to...love my country in every possible way. A fervent resolve to be an honorable citizen of my homeland. A desire to serve countrymen in whatever way I'm called to do.Ito ang iniwan ni President Cory sa akin: she made me feel proud to be a Filipino.

This I know now, hope didn't die with her. It lives. And it will live on in me and in every Filipino who sees the country through her eyes: a nation, a people worth dying for.

Hindi mababaw ang luha ko. Kaya naman, kapag ganun na lang ang pag-iyak ko, ibig sabihin, may inuudyok ang puso ko. Sinasabi niya, mahalin mo ang Bayan mo, sa paraang minahal siya ng President Cory mo. At yan ang gagawin ko.

No comments: