Tuesday, January 29, 2008

Pagbaba ng Bundok

Kung tutuusin, hassle ang umakyat ng bundok.

Gigising ka nang maaga. Magbubuhat ka ng kabigatang backpack. Maglalakad ka ng pagkalayo-layo. Buti kung patag ang nilakaran mo. Buti kung semento o kahit damuhan lang. E hindi. Paakyat, pababa, paakyat ulit, bato, putik, talahib.

Tatamaan ka ng sikat ng araw. Mababasa ka pa ng ulan. Tatawid ka ng batis. Kakapit ka sa sanga. Pwede kang madulas, mahulog sa bangin.

Papawisan ka. Mapuputikan. Makakaramdam ka ng pagod, gutom ang pagka-uhaw.

Aakyat ka ng bundok? Baliw ka ba? Walang CR don. Walang TV. Walang aircon. Walang malambot na kama. Walang internet. Walang kuryente. Pano mo icha-charge ang phone mo?

Kalokohan diba?

E bakit gusto kong bumalik?

Kasi. Di ko rin mapaliwanag. Dahil ba masarap ang pakiramdam sa pagdating sa summit? Dahil ba sa masaya ang grupong nakasama ko (d'best kayo, ENcircle!)? Dahil ba napupuno ng endorphins ang sistema ko dahil para rin akong nag-exercise?

Siguro. Oo.

Basta ang alam ko, pagkatapos ng climb, nabubuhayan ako ng loob. Kahit masakit ang mga kasu-kasuan ko, gising at buo ang diwa ko. Alam mo yung feeling pag in love ka? Parang ganun.

Para sa kin, di na lugar ang tingin ko sa mga bundok na inakyat ko. ( Naks, parang andami na no? ) Mga nilalang sila. Mga kaibigan - at hinihikayat nila ako : Halika, bumisita ka. Tara, iwan mo muna ang mga bagay na bumabagabag sayo. Alagaan mo ko, at aalagan kita. Halika, magpahinga ka dito. Sit back, relax, watch the stars.

Marami pa silang naghihikayat sa akin. Excited na ko sa susunod na pagbisita :-)















No comments: