Saturday, January 13, 2007

Breather

Ganito pala ang mundo
Matulin ang takbo
Laging naghahabol sa pangako
Bilisan bawat hakbang, nahihilo
Isang ulila sa gitna nitong gulo

Sari-saring damdamin
Halu-halong hangarin
Naghahabulan

Tagumpay nalumbay sa kamay ng kapalaran
O taya ka nanaman
Takbo, takbo
Sana'y makarating
Sa wakas ng pagkatuliro
Sa pag-ikot nitong daigdig

Habol nang habol
Habol nang habol
Habol nang habol

Pagkakataon di palalampasin
Di magpapahuli kahit sandali
Wag na sanang maiwan muli

Bilisan bawat hakbang
May dalang pag-alinlangan
Papunta pabalik
Nagbibilang ng saglit
Eto na
At lagi pang natataya

Sari-saring damdamin
Halu-halong hangarin
Naghahabulan (muli)

Tagumpay nalumbay sa kamay ng kapalaran
O taya ka nanaman
Takbo, takbo
Sana'y makarating
Sa wakas ng pagkatuliro
Sa pag-ikot nitong daigdig

Habol nang habol
Habol nang habol
Habol nang habol
Sana'y makarating

Manipis ang silip ng buwan
Di namamasdan ang paglipas ng oras
Nangangapa pa rin sa dilim

Habol nang habol nang habol
Habol nang habol nang habol
Habol nang habol nang habol

- SOUND, Habulan

No comments: